10,000 trabaho sa BPO, alok sa mga tourism sector workers

81

Tinatayang nasa 10,000 trabaho sa business process outsourcing (BPO) industry ang bubuksan para sa tourism sector workers na nawalan ng trabaho bunga ng COVID-19 pandemic.

Ang Department of Tourism (DOT) ay makikipag-partner sa isang BPO Company para tulungan ang displaced tourism sector workers.

Kabilang sa mga alok na trabaho ay customer service representatives, tech support, supervisors at managers.

Ang mga aplikante ay kailangan nakapagtapos kahit high school.

Ang virtual job fair ay gaganapin sa mga sumusunod na petsa:

–              Luzon – September 22, 24, 29, and October 1

–              Visayas – September 17, 18, and October 1




–              Mindanao – September 15 and 16

Ang registration links ay makikita sa Facebook page ng DOT.

Facebook Comments