10,000 Wi-Fi, tiniyak ng DICT

Manila, Philippines  – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Information and Communication Technology o DICT na sa darating na taong 2020 ay mararamdaman na ng mga Pilipino ang isang malaking improvement sa serbisyo ng komunikasyon dahil magagamit na ang internet connectivity ng Facebook at umiiral na rin ang National Broadband Program (NBP) ng gobyerno na magkokonekta sa lahat ng government office sa lahat ng mga barangay.

Sa ginanap na forum sa NPC, sinabi ni DITC Senior Undersecretary Eliseo Rio Jr. na magkakaroon na ng 10,000 Wi-Fi hotspots sa buong bansa ang pinaghahandaan ng DICT sa susunod na taon.

Paliwanag ni Rio na pagkababa ng Pangulo sa kanyang pwesto sa 2022 ay aabot na sa 50,000 na Wi-Fi ang inaasahan na magagamit ng mga Pilipino sa mga pampublikong lugar gaya ng mga ospital, parks, transport terminals at mga eskwelahan.


Giit ni Rio, kaya na aniyang mapantayan ng Pilipinas ang mga mauunlad na bansa gaya ng Singapore at South Korea dahil sa National Broadband Plan ng Duterte administration.

Facebook Comments