Umaabot na sa higit 100,000 baboy ang naipadala sa Metro Manila kasabay ng hakbangin ng gobyerno na mapatatag ang presyo at supply nito sa merkado.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), kabuoang 101,133 na baboy at 657,994 kilo ng karne nito ang nai-deliver na sa National Capital Region ng mga local hog raisers mula February 8 hanggang March 01.
Ang CALABARZON ang may pinakamalaking nag-supply ng baboy sa NCR, na may 50.21% ng kabuuang deliveries.
Kasunod nito ang Western Visyas (13.42%) at MIMAROPA (10.12%).
Nag-ambag din sa hog supply ang SOCCSKSARGEN (9%) at Central Luzon (6.94%).
Nakapagtala rin ng hog shipments sa Bicol Region, Cagayan Valley, Central Visayas, Ilocos Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Facebook Comments