100,000 katao, planong isailalim sa COVID-19 antibodies test ng Israel Government para maiwasan ang second wave ng COVID-19

Plano ngayon ng pamahalaan ng Israel na isailalim sa COVID-19 antibodies test ang nasa 100,000 katao para maiwasan ang second wave ng COVID-19 matapos maitala ang 281 nasawi habang 17,000 naman ang kumpirmadong may kaso ng virus.

Ito ay para malaman kung saan sa Israel ang may pinaka-alanganing lugar kung lalo pang tatagal ang pandemya.

Ayon sa Israel Government, sa kabila ng mababang fatality rate ng bansa ay nakahanda pa rin sila sa posibilidad ng second wave infection kaya bumili na rin ang pamahalaan ng 2.5 million test na gagamitin para sa antibodies scheme.


Samantala, unti-unti na ring tinatanggal ng pamahalaan ang mga anti-coronavirus measures na ipinatupad sa buong bansa habang nagsasagawa na rin ng hiwalay na survey ang mga otoridad sa mga high-risk areas sa Israel.

Facebook Comments