100,000 kilo ng smuggled na dilaw na sibuyas, nakumpiska ng DA

Mahigit 100,000 o katumbas ng 100 metric tons na kilo ng dilaw na sibuyas ang sinamsam ng Department of Agriculture (DA) bilang bahagi ng nagpapatuloy na operasyon nito kontra smuggling ng agricultural commodities.

Nauna rito, nakakuha ng Intelligence report ang DA sa pagdating ng apat na forty-footer na container vans na kwestunable ang mga dokumento.

Dito na ininspeksyon ng mga tauhan ng DA-Wide Field Inspectorate katuwang ang Bureau of Customs at Philippine Coastguard ang mga container van.


Nakalagay sa deklarasyon nito na mga tinapay o pastries ang mga kargamento, pero nang buksan ay dito na nakita ang sako-sakong smuggled na sibuyas na na may estimated value na P30 million.

Ayon kay James Layug, ang pinuno ng DA-Wide Field Inspectorate, layon ng kanilang pinaigting na kampanya na protektahan ang kabuhayan ng mga lokal na mga trader at mga magsasaka.

Gayundin upang makontrol ang posibleng pagpasok ng mga transboundary diseases.

Ang mga nakumpiskang sibuyas ay nakatakdang sirain ng Bureau of Plant industry para hindi na mapakinabangan pa.

Facebook Comments