100,000 manggagawa, na-displaced dahil sa ECQ – DOLE

Umabot sa 100,000 manggagawa ang na-displaced sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Base sa job displacement monitoring report mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), 2,317 establishments sakop ang 108,620 ang nagpatupad ng flexible work arrangements at temporary closure.

Mula sa nasabing bilang, 46,213 displaced workers o higit 40% ay nasa National Capital Region (NCR).


Kasunod ang Central Luzon at CALABARZON na may 41,450 displaced workers.

Nasa 889 na kumpanya na may 41,331 workers ang nagpatupad ng flexible work arrangements, kabilang ang pagbabawas ng workdays, rotation ng mga manggagawa, force leave, at telecommuting o work-from-home.

Nasa 600 kumpanya ang pansamantalang nagsara kung saan 30,796 na manggagawa.

Samantala, nasa 1,088 OFW ang ni-repatriate.

Facebook Comments