100,000 na mga manggagawa, nawalan ng trabaho matapos kanselahin ang lisensya ng mga contractor na sangkot sa flood control project anomalies

Aabot sa 100,000 na mga manggagawa ang nawalan ng trabaho matapos kanselahin ang lisensya ng mga contractor na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sa deliberasyon para sa budget ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay kinumpirma ni Senator Sherwin Gatchalian na sponsor ng pondo ng ahensya na daang libo ang naapektuhan sa pagsasara ng mga kumpanya ng mga kontratista.

Tinanong ni Senator Risa Hontiveros kung anong hakbang ang ginagawa ng DOLE sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Ayon kay Gatchalian nagbigay sila ng temporary employment assistance measures, nakikipag-ugnayan din sila sa construction industry at nagpapatupad ng reskilling at upskilling programs.

Samantala, naunang ibinahagi ni Senator Joel Villanueva na umakyat sa 5.3% ang unemployment rate hanggang nitong July 2025 na pinakamataas mula noong pandemic habang 14.8% naman ang iniakyat ng underemployment.

Facebook Comments