100,000 Philippine ID cards, ipapamahagi na ng PSA

86

Ipapamahagi na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang nasa 100,000 Philippine ID (PhilID) card sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa PSA, nasa 103,935 PhilIDs na ang natanggap ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Ipadadala ang mga ID card sa mga nakakumpleto na ng Step 2 registration.

Habang ang issuance ng PhilSys Number o PSN at pagde-deliver ng PhilID ang Step 3 at huling hakbang ng PhilSys registration.

Dagdag ng PSA, libre ang pagkuha ng PhilID at wala ring delivery fee.

Facebook Comments