100,000,000,000 | Utang ng DBM sa mga contractors at suppliers, umabot na sa P100 billion

Aabot sa P100 Bilyong piso ang utang ng Department of Budget and Management sa mga contractors at suppliers para sa mga proyekto at transaksyon ng gobyerno.

Giit ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., hindi ito nabanggit sa isinagawang Question Hour kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Sa nasabing utang, P44 Billion dito ang utang na hindi pa nababayaran hanggang ngayon sa DPWH.


Dahil dito, sisimulan na ng House Committee on Rules ang imbestigasyon tungkol sa mga anomalya tulad ng mga isiningit na pondo sa 2019 budget.

Gagawin ito sa January 3, 2019 sa Naga City.

Ipinapasubpoena sa pagdinig ang mga regional directors ng DPWH, ang mga district engineers ng Sorsogon City at Catanduanes, at mga retired at Active heads ng DPWH Bids and Awards Committee na humawak ng mga proyekto mula sa construction and trading company na C.T. Leoncio.

Sa mga susunod namang pagdinig ay pinapaharap sa imbestigasyon si Budget Sec. Benjamin Diokno para sagutin at bigyang linaw ang ilang iregularidad sa 2018 at 2019 budget.

Sa Question Hour kay Diokno sa Kamara nitong Linggo ay natuklasan ang P75 Billion na pondong idinagdag sa DPWH na hindi nalalaman ng kalihim ng ahensya.

Facebook Comments