LINGAYEN, PANGASINAN – Aabot na sa halos 100, 000 indibidwal ang nabigyan ng booster dose sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ang inihayag ni Dra. Anna Teresa de Guzman, Provincial Health Officer, sa session ng Sangguniang Panlalawigan.
Sa datos ng PHO, nabigyan na ng unang dose ng bakuna ang 77% o 1. 9 milyong Pangasinense at 66% o 1. 6 milyon ang fully vaccinated.
Aniya mayroon na lamang natitirang 556 na indibidwal sa probinsiya ang kailangang bakunahan kung saan kasama na rito ang 430, 000 na edad 5-11 na sisimulan ang pagbabakuna sa susunod na buwan.
Dagdag ng opisyal, sapat ang suplay ng bakuna sa probinsiya kung kaya’t patuloy ang panghihikayat ng kanilang kagawaran sa mga hindi pa bakunado na magpunta sa mga vaccination sites upang mabigyan ng proteksyon laban sa sakit. | ifmnews