100K trabaho, alok ng Japan sa mga Pilipino

Aabot sa 100,000 trabaho ang alok ng Japanese government para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Japan ngayong taon.

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, kabilang dito ang mga trabahong may kaugnayan sa healthcare, outsourcing, tourism at information technology.

Aniya, mas gusto umano ng mga Japanese employer ang mag-hire ng mga Pilipino dahil sa masisipag at may dedikasyon sa trabaho.


Mas mataas din ang pasahod sa mga alok na trabaho sa Japan at maganda rin ang working environment doon.

Facebook Comments