101 Kaingin Road sa Barangay Apolonio, Samson, QC, inilagay sa special concern lockdown matapos magpositibo ang siyam na manggagawa sa isang textile company

Isinailalim sa special concern lockdown ang isa pang lugar sa Barangay Apolinio, Samson, matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng isang textile company.

Naka-lockdown ngayon ang 101 Kaingin Road, kung saan nasa apatnapung pamilya ang minomonitor ng Quezon City Health Department.

Ito’y kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng siyam na manggagawa ng Justex textile company.


May kabuuang 200 na manggagawa ang pabrika at kasalukuyan na ang contact tracing at pagsasailalim sa swab test ng mga nakasalamuha ng mga nagpositibo.

Facebook Comments