1,013 NA RESIDENTE NG ILOCOS REGION, NABIGYAN NG BUSINESS KIT NG DTI

Pumalo na sa 1, 013 na residente ng Ilocos Region ang nabigyan ng Business Kit sa ilalim ng programang Livelihood Seeding program Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong taon.
Hindi bababa sa 15, 000 ang halaga ng business kit ang ibinigay sa kada benepisyaryo. Kabilang dito ang sari-sari store, fish retailing, food processing, bigasan, furniture, coffee processing, carinderia/eatery at iba pang maaaring pagkakitaan.
Layunin ng programa na matulungang makabangon ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa rehiyon.

Bago pa man maging benepisyaryo ang mga ito sa nasabing programa dumaan muna sila sa isang pagsasanay upang matulungan ang mga ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo.|ifmnews
Facebook Comments