102-M pisong halaga ng shabu, narekober ng PNP sa magkakahiwalay na operasyon sa Cebu

Nakumpiska ng Philippines National Police (PNP) sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Cebu nitong weekend ang 15.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 102.8 milyong piso.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba, 4 na suspek na naaresto sa mga ikinasang operasyon.

Aniya ang bulto ng droga o 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 68 milyong piso ay nakumpiska mula sa suspek na kinilalang si John Vincent Camion, 24, na naaresto sa Barangay Guadalupe.


Habang 3 sa mga suspek ay naaresto sa mga follow-up operation sa Barangay Duljo-Fatima at Barangay Mabolo.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ang malaking halaga ng shabu na narekober ay posibleng humantong sa pagkakadiskubre ng isang malaking operasyon ng ilegal na droga sa Central Visayas.

Facebook Comments