Sa kabila ng nagpapatuloy nang vaccination program ng gobyerno kontra COVID-19, may mga health worker pa rin na tinatamaan ng virus.
Bunga nito, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa medical frontliners na magpabakuna na.
Ayon sa alkalde, mula Marso 1 hanggang 17 may 102 health workers mula sa kanilang 6 na district hospitals ang na-infect ng COVID-19.
92 sa nasabing bilang ang wala pang bakuna habang ang 10 ay nabakunahan na.
Ayon sa alkalde, ang 10 bakunado na ito na tinamaan ng virus ay nasa maayos namang kalagayan.
Una nang sinabi ng Department of Health na kahit nabakunahan na kontra COVID-19 ay walang katiyakan na hindi na mahahawa sa sakit.
Pero maiiwasan anila ang malalang COVID-19 o masawi dahil sa virus kapag may nabakunahan na.
Facebook Comments