Mahigit sa 100 na mga POGO-related crimes ang naitala ng Philippine National Police (PNP) mula 2019 hanggang January 30, 2023.
Sa imbestigasyon ng Senado, iprinisinta ni Police Major General Eliseo Cruz, Director for Investigation and Detective Management, ang nasabing datos kung saan sa bilang na 102 POGO-related incidents, 9 ang naitala noong 2019, 11 noong 2020, 42 noong 2021 at 40 noong 2022.
Sa 102 na POGO crimes, 30 rito ay ‘kidnap for ransom’, 14 ang anti-trafficking in persons, 10 ang kidnapping and serious illegal detention, anim ang robbery at 5 ang slight illegal detention.
Aabot naman sa 316 ang kabuuang bilang ng mga naitalang biktima ng krimen sa POGO kung saan pinakamarami ang Chinese victims na nasa 214, sinundan ng mga Pilipino at Thai na tig-28, mga Burmese na 24 at ang iba ay mga biktimang Malaysian, Taiwanese, Vietnamese, Japanese at Mongolian.
Naitala rin ang 892 na kabuuang bilang ng mga suspek ng POGO crimes kung saan pinakamarami ang mga Chinese na nasa 782.
Sa bilang ng mga suspek, 83 lang ang naaresto, 482 ang nakapagpiyansa, 93 ang at-large at tatlo ang napatay.
Ang nasabing report ay gagamitin ng komite para pagbatayan ng rekomendasyon sa posibilidad na tuluyang ipatigil ang operasyon ng mga POGO.