Isang daan at dalawang (102) Locally Stranded Individuals (LSIs) ang nakatakdang lumipad sakay Cebu Pacific Flight 5J-955 at Air Asia pauwi ng Davao.
Alas 8:00 ng umaga kanina ay inihatid ng tatlong bus at pitong military trucks papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang naturang mga pasahero para sa kanilang flight.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Army sa Air Asia para sa karagdagang flights na maghahatid sa mga LSI pauwi sa kanilang mga lalawigan.
Lahat ng kasama sa biyahe ay pawang may mga plane ticket kung saan ilang beses na rin nakansela at na-rebook ang kanilang flights schedules dahil sa pabagu-bagong health protocols at flight cancellation.
Pinagkalooban sila lahat ng tig-₱2,000 tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).