
Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umabot sa 10,200 cubic meters ng basura at debris ang natanggal nila sa mga waterways sa Metro Cebu.
Ito ay sa loob ng 15 araw na operasyon para matiyak na hindi na mauulit ang matinding pagbaha sa lalawigan.
Tiniyak din ng DPWH ang patuloy na hauling, desilting at dredging sa Metro Cebu.
Tuluy-tuloy rin anila ang clearing activities sa Guadalupe River, Mahiga River, Kinalumsan River, Mananga River, Butuanon River at Cotcot River.
Facebook Comments









