103-anyos na babae sa Iran, nakarekober mula sa coronavirus

(STRINGER/AFP/GETTY)

Sa kabila ng naitatalang mas maraming matatandang tinatamaan ng coronavirus (COVID-19) kaysa bata, maswerteng nakaligtas ang isang 103-anyos na ginang sa Iran mula sa pagkakaroon nito.

Inireport ng Iran’s Islamic Republic New Agency (IRNA) noong Miyerkules na naospital ang matanda sa Agence France Presse (AFP), central city ng Semnan matapos masuriang may coronavirus.

Ayon kay Navid Danayi, head ng Semnan University of Medical Sciences, nakalabas at nakauwi ang ginang matapos ang isang linggong complete recovery.


Nauna nang naiulat ang pagkarekober noong Lunes ng isang 91-anyos lalaki mula sa siyudad ng Kerman matapos ang tatlong araw na pagkakasakit at pagkakaroon ng asthma at high blood pressure, isa sa mga sintomas ng coronavirus.

Samantala, ang 103-anyos ang naitalang kauna-unahang babae mula Iran na nakaligtas mula sa virus.

Nito lamang Miyerkules ay kinumpirma ni Iran Deputy Health Minister Alireza Raisi na mayroon ng 1,135 katao ang namatay sa bansa at 1,192 bagong kaso ng virus.

Sa kabuuan ay mayroon ng mahigit 17,000 katao ang nahawa sa Persian Gulf Nation habang 5,710 naman ang nakarekober.

Facebook Comments