Aabot sa 103 million COVID-19 vaccines ang darating sa bansa mula Oktubre hanggang Disyembre ngayong 2021.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, naka-secure na ang bansa ng 194.89 million doses ng bakuna na sasapat para sa 100 milyong katao.
Tinatayang nasa 48.89 million doses naman ang naipamahagi mula March 1 hanggang August 25.
Sa ngayon, umabot na sa 31,434,450 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa Pilipinas kung saan mahigit 13.3 million Pilipino ang nakatanggap na ng dalawang dose o yung mga fully vaccinated na.
Facebook Comments