103,000 Navoteños, target mabakunahan sa pagdating ng COVID-19 vaccines

Target ng lokal na pamahalaan ng Navotas na mabakunahan ang nasa 103,000 na constituents sa kanilang lugar.

Ang bilang na ito ay mga residente na may edad 18 taong gulang pataas.

Nagpulong na rin ang local government at ang City Health Department para sa roll out ng COVID-19 vaccination ng lungsod.


Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, hindi sabay-sabay ang pagdating ng bakuna kaya nagtakda na ang lokal na pamahalaan ng priority list ng dapat sa sumailalim sa first batch ng inoculation.

Pinakauna aniya ang mga public at private medical frontliners dahil ang mga ito ang may pinakamataas na tiyansa ng exposure sa COVID-19.

Hinihikayat naman ng alkalde ang mga residente na magparehistro na upang handa ang lungsod sakaling dumating ang COVID-19 vaccines.

Facebook Comments