LA UNION – Nagkasa ng malawakang operasyon o Simultaneous Anti Criminality Enforcement o SACLEO ang mga Provincial Police Office sa Ilocos Region sa loob ng dalawang linggo.
Aabot sa 104 ang nahuli sa naturang operasyon mula ika-23 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto.
68 katao dito ang mula sa lalawigan ng Pangasinan, 13 sa La union, 12 sa Ilocos Sur at dalawa sa Ilocos Norte na nasa ilalim ng wanted at most wanted person ang nahuli ng awtoridad.
Nasa 438, 211 halaga din ng mga shabu at marijuana ang nakumpiska ng pulis sa buong Ilocos Region. Sa kabila umano ng nararanasang pandemya tuloy tuloy ang pagsugpo ng otoridad sa mga krimen upang mapanatili ang katahimikan sa rehiyon.
Facebook Comments