π—₯π—œπ—–π—˜ π—¦π—¨π—•π—¦π—œπ——π—¬, π—œπ—•π—œπ—‘π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—£π—šπ—œ 𝗦𝗔 π—œπ—•π—”’𝗧 π—œπ—•π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”


β€ŽCauayan City – Sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang taong 2026 sa pamamahagi ng semestral rice subsidy para sa 2,390 guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) mula sa mga bayan ng Quezon, Mallig, Quirino, Echague, at San Isidro.

β€ŽBukod dito, tumanggap din ng buwanang bigas ang 977 Isabelino sa bayan ng Sta. Maria, kabilang ang mga miyembro ng TODA, persons with disabilities (PWDs), mangingisda, solo parents, at mga kalesa operator.

β€ŽAng naturang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na mapagaan ang gastusin ng mga manggagawa at sektor na higit na nangangailangan ng tulong.

β€ŽTiniyak ng administrasyon ni Gobernador Rodito T. Albano na ipagpapatuloy ang rice distribution program upang mas marami pang mamamayan sa iba’t ibang sektor ng Isabela ang makinabang sa mga susunod na araw.

β€ŽSource: ISABELA PIO
————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments