105 POLICE ASSISTANCE DESKS, INILATAG SA PANGASINAN

Inilatag ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang 105 police assistance desks sa buong lalawigan kung saan minamandohan ito ng 865 personnel upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Sa Isang panayam sinabi ni PANGPPO, Information Officer Lt. Trisha Mae Guzman, ang mga assistance desks ay inilagay sa mga simbahan, pangunahing lansangan , transport hubs, at commercial areas.

Bukod sa assistance desks, nagtalaga rin ang PPO ng 1,087 personnel sa mga checkpoints at firecracker zones bilang bahagi ng kampanyang Ligtas Kapaskuhan ng pulisya.

Pinayuhan din ang publiko na tiyaking naka lock ang bahay kung aalis upang maiwasang manakawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments