10,504 na NPA na neutralize ng militar sa buong taong 2019

Sa harap ng umiiral na tigil putukan ngayong kapaskuhan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF, ipinagmalaki ng militar na umabot na sa 10,504 ang na neutralized ng pwersa  ng New Peoples Army.

 

 

 

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo, mula January 1 hanggang December 11, 2019  umaabot na sa 10,504 ang na neutralized  na miyembro ng New Peoples Army.

 

 

Sa bilang na ito 10,104 ang sumuko o nagbalik loob sa pamahalaan,138 ang napatay sa engkwentro at sa iba pang operasyon, habang 268 naman ang naaresto.


 

 

 

Nakakumpiska naman ng 1,737 mga samut saring mga armas o mga baril ang militar mula sa NPA at 437 mga improvized explosive device.

 

 

 

Samantala mananatiling naka alerto ang militar sa kabila ng umiiral na ceasefire.

Facebook Comments