106 Wanted Persons, Nahuli sa SACLEO ng PRO2; 31 Rebelde, Sumuko

22

Cauayan City, Isabela- Naaresto ang 146 na katao samantalang 31 katao naman na napag alamang supporters at aktibong miyembro ng NPA ang kusang sumuko sa mga otoridad matapos ang isinagawang malawakang anti-criminality law enforcement operation (SACLEO) sa rehiyon kahapon ika-29 ng Nobyembre taong 2021.

Anim sa isang daang naaresto ay nasa most wanted list at huli din ang pitong drug personalities matapos makuhanan sa kanilang pag-iingat ng 60 gramo ng Shabu na nagkakahalaga ng P726,290.00 at 3.1 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P2,119.

Nadakip din ng mga operatiba ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang dalawang (2) katao na lumabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition kung saan 11 loose firearms at isang pasabog ang nakumpiska.


Pinuri naman ni Police Brigadier General Steve Ludan, PRO2 Regional Director ang matagumpay na operasyon at hinikayat ang publiko na suportahan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang patuloy na maging payapa ang lambak ng Cagayan.

Facebook Comments