107-anyos babae, inihayag na hindi siya nag-asawa kaya humaba ang buhay

via The Hollywood Unlocked

Isang 107-anyos na babae sa New York ang nagpahayag na hindi siya nag-asawa kaya nabuhay nang matagal.

Ayon kay Louise Signore, naniniwala siyang nabuhay siya nang higit isang siglo ay dahil hindi siya nagpakasal.

“I think the secret of 107, I never got married. I think that’s the secret. My sister says, ‘I wish never got married,” ani Louise.


Sinabi rin ni Louise na nanatiling malakas ang kaniyang pangangatawan dahil sa ehersisyo at malusog na diyeta.

“If they have exercise, I do exercise. If they have dancing, I dance. I still do a little dancing. After my lunch, I will play bingo, so I had the full day,” dagdag ni Louise.

Ayon sa WCBS, ang kapatid ni Louise ay 102 taong gulang na rin kaya’t nasa pamilya na nila ang mahabang buhay.

Ipinagdiwang ni Louise ang kaniyang ika-107 na kaarawan sa Bartow Community Center na may 100 na katao ang dumalo.

Si Alelia Murphy, 114 taong gulang, naman ang pinakamatandang babae na naitala sa kasaysayan ng Estados Unidos. Parehong nakatira sa Bronx, New York kung saan ipinanaganak si Louise.

Facebook Comments