107 local officials, pagpapaliwanagin ng DILG hinggil sa polusyon sa Manila Bay

Manila, Philippines – Natukoy na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 107 local officials na padadalhan ng show cause order kaugnay ng problema ng polusyon sa Manila Bay.

Ayon kay DILG Usec. Martin Diño – kabilang dito ang ilang mayor at mga kapitan ng barangay.

Aminado si Diño na sa mga nakalipas na taon, may pagkakamali talaga sa implementasyon ng mga batas hinggil sa tamang pagtatapon ng basura sa mga komunidad sa paligid ng Manila Bay.


Tiniyak naman ng DILG na kasunod ng show cause order ay ang pagsasampa ng demanda sa Ombudsman.

Dagdag pa ni Diño, mawawalan ng saysay ang clean-up ng manila bay kung walang makukulong dahil sa paglabag sa mga environmental law.

Facebook Comments