107-M mga Pilipino, magsisilbing cheering squad ng Team Philippines sa gaganaping 32nd SEA Games sa Cambodia

Nagbigay ng inspirasyon si Pangulong Bongbong Marcos sa mahigit 800 mga atletang sasabak sa ika-32 South East Asian Games o SEA Games sa Phnom Pehn, Cambodia.

Sa ginawang send-off ceremony na pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Philippine International Convention Center o PICC kahapon.

Sinabi nitong kapag nakaramdam ng pagod, dumanas ng injury o napanghihinaan ng loob ang mga atletang Pinoy, wala aniyang ibang dapat isipin ang mga ito kundi ang sigaw ng 107 milyong mga Pilipino na magsisilbing cheering squad ng mga ito.


Tiniyak ng pangulo, buo ang suporta ng gobyerno sa mga atletang Pinoy, kaya inaasahan aniyang mag-uuwi ang mga ito ng mga medalya, trophies at karangalan na magtataas ng dignidad ng Pilipinas sa mata ng buong mundo.

Binigyang-diin pa ng pangulo na ang palakasan o sports ay iilan lamang sa mga aktibidad na walang downside o walang sagabal, sa halip ay huhubog ito ng disiplina, magbibigay ng maayos at masiglang kalusugan, at makabubuo ng camaraderie o magandang pakikisama.

Facebook Comments