108 laboratoryo, binigyan na ng lisensya para sa COVID-19 testing, ayon sa DOH

Umabot na sa 108 laboratoryo sa bansa ang nabigyan ng lisensya para makapagsagawa ng independent testing para sa COVID-19 matapos mabigyan ng accreditation ang anim na iba pa.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 81 accredited Polymerase Chain Reaction (PCR) facilities at 27 GeneXpert laboratories.

Ang mga bagong PCR laboratory na nabigyan ng lisensya ay ang Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital, Bulacan Medical Center at Philippine Red Corss Negros Occidental Molecular Laboratory.


Ang mga bagong GeneXpert labs naman ay ang Butuan Medical Center, Ilocos Training Regional Medical Center at Central Luzon Doctor’s Hospital.

Sa ngayon, aabot na sa 2,035,688 tests ang naisagawa ng mga lisensyadong laboratory mula noong August 15.

Facebook Comments