109-ANYOS NA LOLA SA NUEVA VIZCAYA, BINIGYAN NG CENTENARIAN ASSISTANCE

Pinagkalooban ng P30,000 centenarian incentive ang 109-taong gulang na lola mula sa Brgy. Macabenga, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ang naturang lola ay si Maria Manuel Atibew na naitalang pinakamatandang resident ng Nueva Vizcaya.

Si lola Maria ay ipagdiriwang ang ika-110 taong gulang sa December 27 ngayong taon.

Personal na iniabot ni Mayor Timothy Joseph Cayton at Municipal Councilor Arnel Herrera na siyang Chairman ng Committee on Elderly ng Dupax del Norte kasama ang mga kawani ng MSWD ang halagang P30,000 centenarian insentive kay Lola Maria.

Ang P30,000 ay counterpart ng LGU Dupax del Norte sa Centenarian Incentive ng national at provincial government.

Una nang ibinigay sa lola ang halagang P200,000 na tinaggap naman noon ng kanyang anak na si Lino Atibew.

Nakadeposito umano sa kooperatiba ang ilang halaga ng pera upang magamit nila kung kinakailangan.

Si lola Maria ay isa nang byuda at mayroong walong anak kung saan karamihan sa mga ito ay pumanaw na.

Facebook Comments