Tuloy-tuloy ang programang libreng sakay ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nasa 109 na bus ang nagbibigay ngayon ng libreng sakay sa walong ruta sa lungsod.
Tumatakbo ang mga bus mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
“109 buses ang nagpa-fly ng 8 different routes all over the city. May isa roon na from Litex, dumadaan din po sa Commonwealth ‘yan and that one isa the most used of among all our routes,” ani Belmonte.
“Every 6 minutes po yang dumadaan ‘pag walang traffic at kung may traffic naman pwedeng mas matagal pero regular po ‘yan, buong araw po ‘yan.”
Nabatid na panahon pa ng pandemya ng simulan ang libreng sakay program sa lungsod na mas pinaigting pa ng LGU dahil sa pagdami ng mga pasahero kasabay na rin ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.