109 Katao sa Isabela, Kinapitan ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Hindi nakaligtas sa COVID-19 ang isang daan at siyam (109) na katao sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 25, 2021, nakapagtala ng tatlumpu (30) na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Santiago; labing dalawa (12) sa bayan ng Cordon; labing isa (11) sa Lungsod ng Cauayan; sampu (10) sa San Mateo; walo (8) sa Alicia; pito (7) sa bayan ng Quirino; apat (4) sa mga bayan ng Echague, Cabatuan, Luna, Jones at Mallig; tatlo (3) sa San Isidro; dalawa (2) sa Angadanan at Tumauini; at tig-iisa (1) sa mga bayan ng Aurora, Ramon, San Agustin at San Pablo.

Mayroon namang tatlumpu’t apat (34) na bagong gumaling ngayong araw na nagdadala sa kabuuang bilang na 5,786.


Nasa 985 na rin sa kasalukuyan ang bilang ng aktibong kaso sa probinsya.

Umaabot naman sa 6,904 ang total confirmed cases sa probinsya at nasa 133 na COVID-19 positive ang naitalang nasawi.

Dagdag dito, pinakamarami pa rin sa aktibong kaso ang Local Transmission na may bilang na 814; sumunod ang mga Health Workers na 138; dalawampu (20) na kasapi ng PNP at labing tatlo (13) na Locally Stranded Individual (LSIs).

Facebook Comments