![pdea-bg](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2017/06/pdea-bg.jpg?resize=696%2C438&ssl=1)
Gensan, Philippines – Aabot ng ng 10 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 sa kanilang sunod sunod na operasyon sa loob lang ng unang kwarter ngayong taon.
Sinabi ni PDEA-12 Regional Director Gil Cesario Castro na naging epektibo ang kanilang pinalakas na kampanya laban sa droga.
Dagdag pa ni Castro na malalaking tulak ng shabu ang kanilang sunod-sunod na naaresto nitong mga nakaraang buwan.
Base sa kanilang monitoring marami na sa kasama sa kanilang drug watch list ang umalis na sa region-12 dahil natatakot na masukol na otoridad dahil sa sunod-sunod na operasyon.
Pero inamin ng nasabing opisyal na mayroon paring mga tao na naglakas loob na magpapasok ng illegal drugs sa rehiyon at ito ngayon ang kanilang tinututukan.
DZXL558