20 miyembro ng KOJC, kakasuhan

Nasa 20 kasapi ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nakatakdang sampahan ng iba’t ibang kaso dahil sa iligal na pagtitipon at hindi kusang pagbubuwag ng kanilang barikada na kanilang itinayo sa kalsada sa Davao City.

Ayon kay PBGen. Roderick Augustus Alba, tagapagsalita ng Special Task Group TEKNON Alpha, mga kasong resisting arrest, disobedience to agents of authority at BP 880 o Public Assembly Act ang isasampang kaso laban sa ilang myembro ng KOJC.

Bukod dito, sinabi rin ni Alba na inihahanda na rin nila ang paghahain ng petition to clarificatory sa Davo City RTC hinggil sa inilabas nilang temporary protection order.


Samantala, sinang-ayunan din ni Alba ang sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., hinggil sa magandang development ng ginagawa nilang paghahanap kay Quiboloy subalit hanggang doon lang muna ang kanyang masasabi.

Hindi din nagbigay ng timeline si Alba kung malapit na o ilang araw pa ang abautin sa paghahanap sa puganteng pastor.

Facebook Comments