11.6 milyong senior citizens, inaasahang boboto sa Barangay at SK Elections

Aabot sa 11.6 milyong senior citizens, ang inaasahang boboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, October 30.

Sa bagong pilipinas ngayon, sinabi ni Atty. Franklin Quijano, chairman ng National Commission for Senior Citizens, na maikokonsiderang malaking bilang din ito mula sa hanay ng mga nakatatanda.

Masaya rin ang opisyal dahil tinupad ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangako nito na maglaan ng special polling precincts para sa mga senior citizen.


Ito ay upang mas magaan o maginhawa ang kanilang gagawing pagboto maging pagbibigay daan sa kanilang mas maagang oras ng pagboto.

Umaasa rin si Quijano, na tutugunan ng COMELEC ang iba pa nilang mga hiling gaya ng ng electronic voting para ang mga nakatatanda na hindi na makalakad patungong polling precincts o nasa malalayong lugar ay makaboto pa rin.

Pero nilinaw ni Bersamin, na hindi kasama rito ang mga ahensya ng gobyerno na ang tungkulin ay may kinalaman sa pagbibigay ng basic and health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Ipinauubaya naman ng palasyo, sa mga pribadong kompanya at mga paaralan ang desisyon kung magpapatupad ng kahalintulad na work arrangement at klase.

Facebook Comments