11 ADVOCACY GROUPS AT FORCE MULTIPLIERS SA PANGASINAN, NANUMPA KAY PNP CHIEF ELEAZAR

Nanumpa kay PNP Chief Guillermo T. Eleazar ang labing dalawang grupo ng Pangasinan Provincial Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Groups at Force Multiplier sa Sison Auditorium Lingayen.

Umabot sa labing isang grupo ang nanumpa kay Eleazar na Kalikasan National Coalition of Information Technology Advocates for Change (NCITAC) na kinabibilangan ng Foreign National Keepers, Alliance of Industrial Peace Program (AIPP) Women Sector, LGBT groups, Barangay Based, Faith Based at grupo ng OFWs.

Ayon kay PNP Chief Eleazar, upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bansa nangangailangan ito ng tulong ng mga Pilipino gaya na lamang ng mga advocacy groups maging ang tulong mula sa Local chief executive.


Kung dati ay nasa 183,000 lamang ang miyembro ng mga naturang advocacy groups sa Pangasinan ngayon ay nasa 546, 817 na.

Dumipensa naman si Eleazar sa isyu ng pag-armas sa mga kabilang sa advocacy group at sinabing ito ay karapatan ng kahit na sinumang Pilipino bilang proteksyon sa grupo at sa kanilang sarili.

Facebook Comments