11-anyos babae, dinukot ang mata ng buwaya para iligtas ang kaibigan

Nakipagbuno sa buwaya ang isang 11-anyos na babae sa Zimbabwe sa pagsisikap na iligtas ang nakababatang kaibigan.

Rumesponde ang batang si Rebecca Munkombwe sa sigaw ng kaklase niyang inatake ng buwaya habang lumalangoy sa ilog sa Hwange nakaraang linggo, ayon sa Sunday News.

Sakmal-sakmal umano ng buwaya ang hita ng 9-anyos na si Latoya Muwani.


Kuwento ni Munkombwe, siya ang pinakamatanda sa mga naroroon nang mangyari ang insidente kaya pakiramdam niya ay dapat niyang iligtas ang kaibigan.

Tumalon siya sa ibabaw ng hayop, pinaghahataw ito at saka tinusok ng daliri ang mata nito.

Nang makawala si Muwani, sabay lumangoy ang dalawa sa pampang kung saan tinulungan na silang umahon ng ibang bata.

Isinugod sa ospital si Muwani na nagtamo ng mga minor na sugat.

Laking pasasalamat naman ng ama ng bitkima na nasa trabaho nang mangyari ang insidente.

Ayon sa isang lokal na opsiyal, nakararanas ng problema sa tubig ang lugar dahilan para mapilitan ang ilang residente na gumamit ng tubig mula sa mga ilog.

RELATED STORIES:

Lalaki sinipa, sinuntok sa ilong ang buwaya matapos makagat sa singit

Facebook Comments