11-Anyos na Bata, Patay Matapos Malunod

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang batang lalaki matapos malunod sa Ilog Pinacanauan sa barangay Camasi, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jerwin Tamayao, 11 taong gulang at residente rin sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipaglaro muna sa mga kapwa bata ang biktima partikular sa taniman ng mais na malapit sa ilog.


Kalauna’y nagtungo ang biktima sa ilog upang maligo at habang lumalangoy ang biktima ay tinangay ng malakas na agos ng tubig hanggang sa malunod sa malalim na parte ng ilog.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang Rescue 24 ng LGU Peñablanca nang matanggap ang insidente na kung saan ay narekober din ang katawan ng biktima at idineklarang dead on arrival (DOA) nang siya’y dalhin sa Municipal Health Office.

Facebook Comments