11 ANYOS NA BINATILYONG NALUNOD SA LINGAYEN BEACH, PATULOY NA HINAHANAP

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang isang 11-anyos na binatilyo matapos malunod sa bahagi ng Lingayen Beach sa Barangay Libsong.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-11 ng umaga ng Lunes nang magkayayaan umano ang biktima at ang mga kaibigan nito na maligo sa dagat nang walang kasamang nakatatandang magbabantay.

Habang naliligo ay tinangay ng malakas na alon ang biktima at hindi na muling nakita ng mga kasamahan.

Hindi umano batid ng mga magulang ng biktima na naligo sa dagat ang mga bata.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad, subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang biktima.

Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging maingat sa pagligo sa dagat, lalo na ngayong holiday season.

Facebook Comments