11-anyos na Dalagita, Paulit-ulit na Ginahasa ng Sariling Ama; Suspek, Arestado

Cauayan City,Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos ang paulit-ulit umano nitong panggagahasa sa kanyang menor de edad na anak sa Aglipay, Quirino nitong Oktubre 2, 2021.

Kinilala ang suspek na si Rufino Kimmayong, 49-anyos, isang magsasaka, kabilang sa listahan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Top 10 Most Wanted Person – Regional level na residente ng P5 San Benigno, Aglipay, Quirino.

Batay sa imbestigasyon ng Aglipay Police Station, minolestiya umano ng suspek ang kanyang 11-anyos na anak sa nakalipas na mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Setyembre noong nakaraang taon.


Naging matagumpay ang pagkaaresto sa suspek matapos ang serye ng pagbabantay at koordinasyon na rin na ginawa ng mga awtoridad sa Barangay Intelligence Network sa tulong na rin ng Provincial Intelligence Unit, Quirino Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 2, CIDG Team Quirino, 1st Quirino Provincial Mobile Force Company at 142SAC, 14SAB, PNP SAF.

Ipinag utos ni Presiding Judge Remalie Corbe-Cardenas, RTC Branch 32, Cabarroguis, Quirino ang pagdakip sa suspek dahil sa apat (4) na beses umano nitong ginahasa ang kanyang anak habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa tatlong counts ng rape habang ang isa ay nagkakahalaga ng P200,000.

Ipinasakamay na ang suspek sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology sa Cabarroguis, Quirino.

Samantala, pinuri naman ni PRO2 Regional Director Police Brigadier General Steve Ludan ang mga nagsagawa ng operasyon para sa ikadarakip ng suspek.

Facebook Comments