
Patay na ng dinala sa Cadiz City Emergency Clinic ang 11 taong gulang na batang lalaki matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Tinampa-an Cadiz City, Negros Occidental.
Batay sa report ng Cadiz Police Station, tinamaan ng kidlat ang bata habang naglalaro sa ilalim ng puno ng Santol sa nasa likod ng kanilang bahay.
Ayon sa mga residente sa lugar, sunod-sunod ang nangyaring pagkidlat noong hapon at doon na tinamaan ang biktima.
Nagtamo ng mga sugat at paso sa katawan ang bata na nagresulta ng kanyang pagkasawi.
Facebook Comments









