11 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa hanay ng PNP

39

Umabot na sa 42,151 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, nakapagtala ng 11 bagong kaso kahapon kung saan nadagdagan din sa 118 ang total active cases.

May 10 namang bagong gumaling sa sakit kaya’t umabot na sa 41,908 ang kanilang total COVID-19 recoveries.


Ang magandang balita ay walang naitalang nasawing pulis dahil sa COVID-19 kaya’t nananatili ang bilang nito sa 125.

Aabot naman na sa mahigit 394,000 ang mga bakunang naiturok sa hanay ng PNP.

Dahil dito, mahigit 208,000 rito ang fully vaccinated na kontra COVID-19.



Facebook Comments