Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng labing isang (11) panibagong bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.
Mula sa 11 new COVID-19 Cases, lima (5) ang naitala sa bayan ng Gamu, tig-dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan at Bayan ng San Mariano at tig-isa (1) sa bayan ng Quirino at Santiago City.
Kasabay ng pagkakatala ng mga bagong positibo, gumaling naman ang labing siyam (19) na mga COVID-19 patients sa lalawigan.
Dahil dito, umakyat sa 178 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Mula naman sa 178 na total active cases, lima (5) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), labing walo (18) na mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), labing anim (16) na Health worker, limang (5) pulis at 134 na maituturing na Local Transmission.