11-billion pesos na expired na gamot at bakuna sa DOH, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Kamara ang natuklasan ng Commission on Audit (COA) na mahigit 11-bilyong pisong halaga ng expired na gamot, bakuna, at iba pang medical supplies sa bodega at pasilidad ng Department of Health (DOH).

Base sa COA report, kasamang nag-expire ang 7 million vials ng COVID-19 vaccines.

Nakasaad sa House Resolution 2117 na inihain ni Lee na kapabayaan at paglabag sa mandato ng DOH ang pagka-expire ng mga gamot at bakuna kaya hindi na napakinabangan ng mga Pilipino.


Giit ni Lee, malaking kasalanan ito sa taumbayan dahil pera nila ang nasayang at napagkaitan sila ng serbisyong-pangkalusugan.

Binanggit ni Lee na sinasabi rin sa COA report na mayroong ₱65.22 million inventories sa DOH facilities ang malapit na ring masira o ma-expire.

Facebook Comments