Manila, Philippines – Hindi man kasama sa mga sinampahan ng criminal complaint sa DOJ si dating Customs commissioner Isidro Lapeña, maari naman siyang mapasama sa mga mapanagot sa administratibong aspekto.
Sinabi ni PDEA director general Aaron Aquino na isusumite nila sa Presidential Anti-Corruption Commission at sa Office of the Ombudsman ang mga impormasyon na kanilang isinampa sa DOJ kanina.
Ipinauubaya na aniya nila sa PACC at Ombudsman ang pagdetermina sa posibleng administrative liability ni Lapeña.
Agosto a-siete nang madiskubre ang isang toneladang shabu na nakasilid sa mga magnetic lifter sa Manila International Container Port at ang pagkakadiskubre ng iba pang magnetic lifters sa Cavite na wala ng laman.
Facebook Comments