Labing-isang Chinese nationals ang inilagay sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa overstaying.
Bukod sa deportation sa naturang mga Tsino, pinagmumulta rin sila dahil sa kanilang iligal na pananatili sa bansa.
Ayon sa BI, inabuso ng 11 Chinese nationals ang pinagkaloob sa kanila ng gobyerno ng Pilipinas na Visa Upon Arrival (VUA) nang manatili sila sa bansa nang wala namang mahalagang pakay.
Sa ilalim kasi ng Visa Upon Arrival, ang isang dayuhan ay pinahihintulutan lamang na manatili ng Pilipinas ng hindi lalagpas sa 30 araw.
Magugunita nitong January, sinuspinde ng pamahalaan ang pagbibigay ng Visa Upon Arrival matapos ang COVID-19 outbreak sa Wuhan at iba pang lugar sa China.
Facebook Comments