11 COVID-19 Patients sa Region 2, Nakarekober

25

Cauayan City, Isabela- Gumaling na sa COVID-19 ang labing isang (11) nagpositibo sa virus sa buong Lambak ng Cagayan.

Mula sa 11 new recovered cases, apat (4) ang naitala sa probinsya ng Cagayan, lima (5) sa Isabela at dalawa (2) sa Santiago City.


Dahil dito, umakyat sa 3,350 ang kabuuang bilang ng mga positibong gumaling sa COVID-19 sa rehiyon.

Kasabay ng paggaling ng labing isang pasyente, nakapagtala naman ng walong (8) bagong positibong kaso ng COVID-19 ang rehiyon kung saan dalawa (2) ang muling naitalang bagong kaso sa Cagayan at anim (6) sa Isabela.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 3,350 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley at mayroon pang 206 na natitirang aktibong kaso.

Aabot naman sa 54 ang naitalang nasawi na positibo sa COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.



Facebook Comments