11 dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth, kinasuhan

Manila, Philippines – Sinampahan ni Attorney Harry Roque ng patung-patong na kaso sa Office of the Ombudsman ang 11 kasalukuyan at dating opisyal ng PhilHealth.Nag-ugat ang kaso mula sa kaso noong 2011 kung saan pinaboran ng mga opisyal ang isang pribadong ospital sa Cebu City na inimbestigahan dahil sa hindi makatarungang extension ng confinement ng dalawang pasyente sa kabila ng “go home order” na inisyu ng mga doktor nito.

Nahaharap sa kasong graft, usurpation of judicial functions, grave misconduct, gross neglect of duty, grave abuse of discretion, at conduct prejudicial to the best interest of the service sina dating PhilHealth President Roy Ferrer, Health Assistant Secretary Charade Grande, National Anti-poverty Commission Vice Chairperson Ruperto Aleroza at dalawang corporated secretaries at mga kasalukuyan at dating board members.

Ayon kay Roque, kasama rin sa administrative at criminal complaints ang perpetual succour hospital sa Cebu.


Iginagalang naman ng Department of Health (DOH) ang pagsasampa ng kaso ni Roque.

Inatasan ng DOH si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na paigtingin ang mga hakbang para masugpo ang korapsyon sa organisasyon.

Facebook Comments