11 doktor mula sa PGH, sabay-sabay na nagbitiw sa pwesto

Sabay-sabay na nagbitiw ang labing isang boluntaryong doktor ng Department of Health (DOH) na nakatalaga sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, ang 11 doktor na nakatalaga sa COVID-19 ward ay hindi pa niya nakakausap kaya’t wala pa siyang ideya kung bakit nagbitiw ang mga ito.

Pero ilan aniya sa mga posibleng dahilan ng kanilang pagbibitiw ay ang pagod bunsod ng maraming trabaho sa PGH lalo na’t malubha ang kondisyon ng mga pasyenteng naka-confine rito gayundin ang mababang sahod.


Maliban dito, ilang nurse na rin aniya ang una nang nagbitiw habang ang iba naman ay nakatakdang na ring magretiro.

Bagama’t malaking kawalan ang mga umalis na doktor, tiniyak ni Del Rosario na marami pa naman doktor na maaaring hugutin sa ibang departmento para makatuwang nila sa COVID-19 patients.

Facebook Comments